CAUAYAN CITY- May malaking ambag sa turismo at paglago ng ekonomiya ang kapistahan ng Our Lady of Vistation Guibang.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Department of Tourism Regional Director Dr. Troy Alexander Miano sinabi niya na taong 1905 ng madiskubre ang imahe ng Our Lady of Visitation at mula noon ay marami na ang nagpatunay sa milagrong hatid ng “Ina”.
Dahil sa mayabong na kasaysayan ay dumami ang mga deboto at turistang dumadayo sa Our Lady of Visitation Guibang para makiisa sa kapistahan.
Aniya ang umuusbong na relihiyon sa bansa ay may ambag sa turismo sa Lambak ng Cagayan dahil kahit hindi kapistahan ay marami parin ang dumadayo sa imahe ng Ina sa Our Lady of the Visitation Guibang at sa Our Lady of Piat.
Ang Cagayan Valley maging ang kabisayahan ay may mayabong na kultura at pananampalataya dahil mayora sa mga nakatira sa mga lugar na ito ay Romano Katoliko.
May malaking ambag aniya sa kultura at relihiyon sa Cagayan Valley ay ang mga naisalin na paniniwala ng mga Kastila.
Muli namang paalala ni Dr. Miano sa mga mananampalataya na alalahanin ang kapistahan kasabay ng taimtim na panalangin.