--Ads--

CAUAYAN CITY- Muling nanawagan ang Armed Forces of the Philippines- Northern Luzon Command sa natitirang miyembro ng makakaliwang grupo na sumuko na sa pamahalaan kasanod ng nangayaring bakbakan sa pagitan ng militar at ng mga rebelde noong ika-26 ng Hunyo sa Barangay Malbang, Pantabangan, Nueva Ecija na ikinasawi ng sampong rebelde.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay LTC Rodrigo Lutao Jr, tagapagsalita ng Northern Luzon Command ng AFP aniya wala ng katuturan ang idolohiya na pinaglalaban ng mga ito sa loob ng anim na dekada.

Aniya na maraming program ang pamahalaan katulad ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program na magbibigay ng benipisyo sa mga magbabalik loob maging nadin ang amnesty program para sa mga mayroong mga kasong rebelde.

Samantala, sa ngayon ay tahamik na ang bayan ng Pantabangan matapos ang enkwentro at nabigyan na ng tulong mula sa pamahalaan at militar ang mga naapektuhan na mga residente malapit sa encounter site.

--Ads--

Dagdag pa dito ni LTC Lutao Jr na karamihan umano sa mga nasawing rebelde ay naipasakamay na ang mga ito sa kanilang pamilya.

Aniya na bagamat malungkot sa panig ng military ang pagkasawi ng mga rebelde ay kailangan umano nilang supilin ang mga kumakalaban sa pamahalaan.