--Ads--

CAUAYAN CITY – Ginanap sa Lunsod ng Ilagan ang Regional Graduation Ceremony para sa mga Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4P’s beneficiaries na nagsipagtapos na sa naturang programa.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Regional Director Lucia Alan ng DSWD Region 2, sinabi niya na isa sa naging batayan nila para ituring na graduate na mula sa programa ang mga napiling pamilya ay ang unti unting pag-ahon mula sa hahirapan sa tulong ng naturang programa.

Aniya naging malaking tulong ang programa para sa napakaraming pamilya para mapag-aral ang knailang anak habang may ilan na ginamit ang programa para mapaganda ang antas ng kanilang kalusugan.

Sa kabuuan ay umabot sa 1,086 Pamilya ang nagsipagtapos sa programa at nagkaroon ng pagbabago sa kanilang buhay, nagtapos na sa pag-aaral ang mga anak at nagkaroon ng magandang opurtuidad para makahanap ng trabaho.

--Ads--

May iba ring pagkakataon na sapilitang inalis na mula sa programa ang ilan dahil sa mga paglabag.

Paraan din ang pag exit o pag alis na ng ilang Pamilya sa 4p’s ay para mabigyang daan ang iba pang pamilya na higit na nangangailangan ng suporta mula sa Pamahalaan.