Nagsagawa ngayong araw ng Roadshow o seminar ang DTI Isabela para sa mga Micro-Small and Medium Sized Enterprises o MSMEs sa lalawigan ng Isabela na ginanap sa Bamboo Hall sa Lungsod ng Cauayan.
Ito ay dinaluhan ng nasa tatlumput limang Food Manufacturer sa lalawigan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Mary Rose Dumpit, Senior Trade Industry Development Specialist ng DTI Isabela, sinabi niya na layunin ng naturang programa na tulungan ang mga maliliit na negosyante na protektahan ang kanilang property rights sa pamamagitan ng pagpaparehistro ng kanilang brand names, trademark, patent at intellectual property rights.
Sa pamamagitan aniya ng mga ganitong programa ay inaasistahan nila ang mga MSMEs sa pag-facilitate ng kanilang mga application.
Para aniya makadalo sa mga ganitong klase ng programa ay kinakalangan lamang na magtungo sa pinaka malapitna negosyo center o sa dti provincial office.