CAUAYAN CITY – Arestado ang dalawang indibidwal sa kasong pagnanakaw matapos tangayin ang waterpump sa project site na sakop ng Purok 7, Barangay Nagrumbuan, Cauayan City.
Ang mga suspek ay sina alyas Zaldy, dalawamput aniim na taong gulang, isang helper, at si alyas Balong labing limang taong gulang, out of School Youth at kapwa residente ng Marabulig 1, Cauayan City.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, ang mga suspek ay naglibot-libot sa project site sakay ng kolong-kolong at nang makakuha ng pagkakataon ay binuhat at isinakay sa kulong kulong ang isang 2×2 6.5 horse power na self priming waterpump, nagkakahalaga ng 6,800 pesos.
May isa namang nakakita sa pagnanakaw ng mga suspek at sinubukan pang habulin ang mga ito ngunit hindi na niya naabutan kaya nagreport agad sila sa mga barangay officials.
Upang makumpirma ay agad na pinacheck ang CCTV footage at nakumpirma ang pagkakakilanlan ng mga suspek.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Jaymar Mauricio, nakasaksi sa pangyayari, sinabi niya na nakipag kwentuhan pa sakanila ang isang suspek upang mapukaw ang kanilang atensyon habang ang isang suspek naman ang bumuhat sa waterpump.
Ang waterpump aniya ay nasa gilid lang ng kalsada kung saan sila mismo natutulog, at hinala nila na matagal nang minanmanan ng mga suspek ang lugar kaya madali nilang natangay ang waterpump.
May nakapagsabi sa kanila na may nadisgrasyang kolong kolong sa palayan at agad naman aniya nila itong pinuntahan.
Nakita nila sa lugar ang mga suspek at ang kolong-kolong na nahulog sa palayan maging ang isinakay nilang waterpump kaya tumawag sila ng pulis na naging dahilan ng pagkaka aresto ng dalawa.
Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Cauayan City Police Station ang mga suspek at nakatakda namang i turn over sa Bahay Pag-Asa ang menor de edad.