--Ads--

CAUAYAN CITY – Naghahanda na ang ilang guro sa lungsod ng Cauayan matapos maatasanng magturo sa mga Persons Deprived of Liberty o PDL sa Bureau of Jail Management and Penology o BJMP-Cauayan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Principal John Mina, ng Cauayan City Stand Alone Senior High School, sinabi niya na nagulat sila nang makatanggap sila ng sulat para magturo sa loob ng BJMP at ang kanilang mga estudyante ay mga PDL.

Ito aniya ang kauna unahang pagkakataon na naatasan silang gawin ito.

Magkahalo naman ang kanilang excitement at kaba dahil iniisip pa rin nilang mapanganib ang magturo doon lalo pa at hindi naman nila alam ang naging kaso ng mga PDL.

--Ads--

Limamput walong lalaking PDL aniya ang kanilang tuturuan kaya ngayon ay kailangan nilang ihanda ang kanilang mga guro lalo na ang mga babae upang matiyak na sila ay ligtas.

Alam naman aniya nila na bantay sarado ang loob ng BJMP ngunit mas mainam na magkaroon din ng kaalaman ang mga guro patungkol sa self defense kung sakali at iba pang training.

Limitado lang din aniya ang galaw ng mga guro kaya mahihirapan silang mag adjust sa pagtuturo.

Sa ngayon ay nakikipag ugnayan na sila sa BJMP upang matiyak ang seguridad ng mga guro.