--Ads--

CAUAYAN – Ikinatuwa ng mga Pilipino sa United Kingdom ang pagkapanalo ng Labour Party para sa bagong Prime Minister ng bansa.

Dumanas ng pinakamatinding pagkatalo sa halalan ang Conservative Party sa United Kingdom, na nanalo lamang ng mahigit 120 seats sa prime ministerial election laban sa Labour Party.

Ayon kay Bombo International News Correspondent Atty. Girlie Gonito, sinabi niya na hindi inakala ng partido na sila ay matatalo dahil labing apat na taon silang nanungkulan.

Dahil dito may bago nang prime minister ang UK sa katauhan ni Prime Minister Keir Starmer, dating human rights lawyer.

--Ads--

Malaking pagbabago ito matapos ang pagbaba ni outgoing prime minister Rishi Sunak sa puwesto kung saan humingi pa ito ng paumanhin sa publiko at inako ang responsibilidad sa mga hindi magandang nangyari sa kanyang panunungkulan.

Malaking bagay naman ito para sa mga Pilipino sa UK dahil ang nanalo ay kabilang sa Labour Party.

Umaasa silang magbibigyang pansin na ang kanilang mga hinaing na hindi napakinggan sa nagdaang administrasyon.

Ipinangako ng bagong prime minister ang pagrebuild sa bansa na dumanas ng ilang krisis at eskandalo sa mga nagdaang taon lalo na sa ekonomiya.