--Ads--

CAUAYAN CITY- Magsasagawa ng monitoring ang Department of Trade and Industry o DTI Isabela sa mga ibinebentang school supplies sa lalawigan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Glen Bert Ramos, Technical Assistant ng DTI Isabela Consumer Protection, sinabi niya na isa sa kanilang titignan ang pagsunod ng mga nagtitinda sa inilabas nilang price guide sa mga school supply.

Marami aniya sa mga school supplies ngayon ang mayroong pagbaba sa presyo kagaya na lamang ng notebooks kung saan posibleng dahil aniya ito sa pagbaba ng demand dulot ng mga gadgets na ginagamit na ngayon ng mga bata.

Isa naman sa tumaas ang presyo ay ang mga krayola dahil na rin sa cost of production ng mga nasabing produkto.

--Ads--

Batay naman sa kanilang paunang mga monitoring ay wala pa namang lumagpas sa kanilang price guide subalit tutukan pa rin nila ito habang papalapit ang pasukan.

Samantala, magsasagawa naman ng Diskuwento Caravan sa mga susunod na araw ang DTI sa lungsod ng Santiago.