CAUAYAN CITY – Nadagdagan pa ng dalawa ang mga miyembro ng deligsyon ng DepEd Region 2 na naisolate dahil sa pagkakaroon ng lagnat.
Sa ngayon umabot na sa apat ang nagkasakit kung saan ilan sa kanila ang tinamaan ng lagnat habang ang iba ay nakaranas ng pananakit ng tiyan at pagdudumi.
Agad naman silang naidulog sa medical team ng DepEd Region 2.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Ferdinand Narciso, Regional Sports Officer ng Deped Region 2, sinabi niya na iniiwasan rin nila ngayon na magkaroon ng hawaan ng Dengue lalo na at nakaranas ang Cebu ng pag-ulan kung kayat namahagi rin sila ng mosquito repellent at nagrequest ng fogging.
Pinawi naman nila ang pangamba ng publiko partikular ang pamilya ng mga atleta dahil nasa maayos naman silang kalagayan at maayos nilang natutugunan ang mga nabanggit na usapin.
Samantala, tinityak nila na hindi maover practice ang mga atleta ilang araw bago ang opening ng Palarong Pambansa.
Abala rin ngayon ang DepEd Region 2 sa pagtitiyak na mapapabilang sa most organized and most disciplined athletes ang kanilang koponan.