CAUAYAN CITY- Gaganapin ngayong taon ang pinakamalaking Pitch Black Military Exercise sa karagatan ng Australia na lalahukan ng humigit kumulang dalawampung mga bansa mula sa ASEAN kabilang ang Pilipinas, NATO member countries at ilan pang bansa na gaganapin sa Northern Australia.
Gagamitin sa military exercise ang nasa 140 aircraft na lalakuhan ng mahigit apat na libong mga military personnel.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Bombo International News Correspondent Denmark Suede aniya na gaganapin sa karagatan ng Australia ang Pitch Black Military Exercise na pinamumunuan ng Royal Australian Airforce na nagsimula pa noong 1981.
Aniya ito na ang ikalawang beses na lumahok ang Pilipinas subalit ito ang unang pagkakataon na nagpadala ang Pilipinas ng combat aircratf na FA50 PH na isang uri ng light attack aircraft kasama ang C215 lunan ang nasa humigit kumulang dalawang daang airforce personnel.
Bikod sa Pilipinas, kabilang naman sa mga bansa na lalahok sa Pitch Black Military Exercise ang Malaysia, Thailand, Singapore, Brunei, Timor Leste, Fiji, United Kingdom, France, Italy, Spain at New Zealand .
Layunin ng Pitch Black Exercise 2024 na magbigay kaalaman sa mga kaanib na bansa ng mga formal air control at combat simulation.
Nakarating na sa Autralia ang mga miyembro ng Philippie Airforce na siyang kakatawan sa Pilipinas sa nasabing exercise.