--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagpaalala ang Kalinga Police Povincial Office sa Publiko na huwag basta maniniwala sa mga natatanggap na text o tawag na nagpapakilalang Pulis.

Ito ay matapos may gumamit sa pangalan ng kanilang Provincial Director na si PCol. Gilbert Fatig na nagpanggap na kaniya umanong staff gamit ang numerong 09074558623.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCapt. Ruff Manganip, tagapagsalita ng Kalinga Police Provincial Officer, sinabi niya na hindi konektado sa kanilang mga kawani ang numero na ginagamit umano ng scammer.

Aniya, maging ang pangalan ibang mga Provincial Director sa ibang bahagi ng bansa ay ginagamit din umano ng naturang numero.

--Ads--

Ang modus aniya ng nasabing numero ay tumatawag sa mga head offices at local chief executives at nagtatanong kung may ibibigay na bigas o pera.

Nilinaw naman niya na hindi sila humihingi ng bigas o pera sa kahit na anong ahensya dahil mayroon namang ibinibigay ng bigas ang pamahalaan sa bawat PNP Personnel.