--Ads--

CAUAYAN CITY – Arestado ang No. 2 Provincial Most Wanted Person sa kasong panggagahasa sa isinagawang operasyon ng Maddela Police Station at iba pang kasapi ng pulisya sa Brgy. Villa Norte, Maddela, Quirino.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Marlon Moral, Information Officer ng Quirino Police Provincial Office, sinabi niya na ang akusado ay isang tatlumput isang taong gulang na binata, isang delivery boy at residente ng Brgy. Villa Norte, Maddela, Quirino.

Inaresto ang akusado sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Hukom Winston Aris Mendoza, Executive Judge ng Regional Trial Court, Branch 38, Maddela, Quirino sa kasong 2 counts of Rape by Carnal Knowledgeat walang inirekomendang piyansa.

Ayon kay PMaj. Moral, dalawang beses na ginahasa ng akusado ang kanyang stepdaughter na isang grade 7 student sa kanilang mismong bahay.

--Ads--

Matapos ang dalawang beses na pangmomolestiya sa kanya ay nagsumbong na ang biktima sa kanyang tunay na ama na kasama nito sa pagtungo sa pulisya.

Muli namang pinaalalahanan ni PMaj. Moral ang mga mamamayan na ibukod ng kwarto ang mga dalagita nilang anak.

Aniya may best practice ang Quirino Police Provincial Office na “Kwarto ni Neneng” kung saan pinapangalagaan ang kapakanan ng mga batang babae sa pamilya laban sa mga mapang-abuso.

Upang maiwasan ang ganitong pangyayari ay mas mabuting ihiwalay ng kwarto ang mga ito para magkaroon sila ng privacy.

Hindi rin aniya dapat katabing matulog ng mga lalaking kamag-anak ang mga batang babae dahil dito nagkakaroon ng pagkakataon na sila ay pagsamantalahan.