--Ads--

CAUAYAN CITY- Patuloy na pinoproblema sa Lunsod ng Cauayan ang usapin ng mga nagkalat na basura.

Ito ay dahil sa humihiling na ang ilang residente ng Barangay San Fermin ng mga karagdagang garbage trucks na siyang kokolekta sa mga naiipong basura.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Kagawad Sofronio Comia ng Brgy. San Fermin aniya na isa talaga sa kanilang problema ay ang nagkalat na basura lalo at tatlong araw lamang ang schedule sa paghahakot ng basura sa kanilang barangay at marami ang naiiwan o hindi nahahakot.

Maging sila na mga opisyal ng barangay ay tumutulong na rin sa paghahakot ng basura para matiyak lamang na lahat ay makkokolekta.

--Ads--

Panawagan nila ngayon sa Pamahalaang Lokal na magkaroon ng karagdagang garbage trucks na magagamit sa paghahakot ng mga basura.