CAUAYAN CITY- Nagdeklara na ng State of Emergency ang Pamahlaaan ng Texas dahil sa labis na pinsalang iniwan ni Hurricane Beryl.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Bombo International News Correspondent Pinoy Gonzales sinabi niya na aprobado na ni Pangulong Joe Biden ang deklarasyon ng State of Emergency para magamit ng Federal aide.
Sa ngayon ay aabot sa halos dalawang milyon na mga residente ang walang kuryente dahil sa malawakang power outage sa Texas dulot ng pananalasa ng Hurricane Beryl kaya may ilan na pinipiling makitira na lamang sa mga kaanak.
Sa pinakahuling ulat ay mayroon ng mga napaulat na nasawi sa Texas at Louisiana dahil sa kalamidad.
Sa katunayan aniya hindi naman ang Hurricane Beryl ang pinakamalakas na bagyong tumama sa Southern America subalit ito nag iwan ng labis na pinsala matapos na mag land fall sa Texas .