--Ads--

CAUAYAN CITY – Umabot sa mahigit isang daan ang mga nahuling traffic violators sa isinagawang operasyon ng Public Order and Safety Division o POSD sa lungsod ng Cauyan sa loob lamang ng ilang oras kagabi.  

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay POSD Chief Pillarito Mallillin, sinabi niya na umabot sa 101 ang kabuuan ng mga nahuli.

Ito ay kinabibilangan ng sampung colorum na tricycle, 31 single motorcycle na walang helmet at hindi nakarehistro, at 60 na walang lisensya.  

Karamihan sa mga ito ay na-impound at kinakaikangan pa nilang magbayad ng kaukukang multa para  mabawi ang kanilang mga sasakyan.  

--Ads--

2,000 pesos ang babayaran ng mga colorum at tiglimandaang piso naman ang mga hindi nakarehistro, walang helmet at walang lisensya at kinakailagan umano na ang mga kukuha sa mga motorsiklo na na-impound ay mayroong lisenya.