--Ads--

CAUYAN CITY- Naniniwala ang Election watchdog na Kontra Daya na kailangan ng malalimang imbestigasyon kaugnay sa alegasyon ng korapsyon o bribery sa pagitan ng Miru System at Lupon ng Halalan o COMELEC kung saan bilyong piso umano ang naging kapalit ng kontrata.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Election watchdog Kontra Daya Convenor Dr. Danilo Arao sinabi niya na matagal nang may problema o iregularidad may kaugnayan sa Automated Election System sa bansa dahil sa kawalan ng transparency.

May ilang punto kung saan kaduda-duda ang kontrata ng Miru System dahil sa ilang ulat mula Congo at maging sa mismong bansa kung saan ito galing ay hindi ito ginagamit.

Panawagan ng grupo sa COMELEC na gamitin itong opurtunidad para alamin ang mga alegasyon at simulan ng i-adopt ang hybrid election.

--Ads--

Di hamak na mas mura aniya ang paghahanda para hybrid election kumpara sa automated system  na mangangailangan pa ng counting machines.

Sa pamamagitan ng hybrid election system ay magkakaron ng manual voting at counting subalit magkakaroon ng digital transmission.

Ang kagandahan dito ay may transparency kung saan nagkakaroon ng counter checking sa proseso ng bilangan na isang paraan para ma protektahan ang bawat balota.

Samanatala, naniniwala ang grupo na magkakaron ng failure of election oras na manindigan ang COMELEC sa kawalan ng transparency at magpupumilit na gamitin ang vote counting machines mula sa Miru System sa kabila ng mga kontrobersiya.