CAUAYAN CITY- Bumaba ang presyo ng ilang mga gulay sa pribadong pamilihan sa Cauayan City, Isabela.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Alvin Parica, tindero ng gulay sa palengke aniya malaki ang ibinaba ng presyo ngayon kung saan umabot pa sa 80% ang pinakamataas na pagbaba.
Ang presyo kada kilo ngayon ng kamatis ay 140 pesos mula sa dating 180 pesos, bumaba man aniya ang presyo ngunit nananatili pa ring mahal.
Sa ngayon ang patatas ay nabibili na ng 80 pesos kada kilo mula sa dating 120, sayote ay nasa 40 pesos na kada kilo, beans na 50 pesos kada kilo, repolyo na 50/kl, cauliflower 160 pesos, at broccoli na 120/kl.
Maging ang siling labuyo na dating 240 pesos kada kilo ngayon ay 120 pesos nalang kada kilo.
Ang mababang presyo ng gulay ay ilang linggo na umanong nararanasan.
Gayon pa man, bumaba man ang presyo ay nakararanas naman aniya ng tumal sa bentahan dahil sa bibihira nalang ang mga namimili sa loob ng palengke.