--Ads--

CAUAYAN CITY – Isusulong ngayon ng Republican Party na magsagawa ng  malalimang pagsisiyasat sa naganap na assassination attempt laban kay Former US President Donald Trump.

Inihayag ni Bombo international News Correspondent Marissa Pascual na hindi inaasahan ang pangyayari kaya naman hinihiling ng republican party ang malalimang imbestigasyon para matuloy kung nagkaroon pa ng pagkukulang ang Secret Service.

Ito ay dahil sa ilang impormasyon mula sa mga witnesses na bago pa man ang insidente ay nakita na nila ang suspek na may bitbit na baril.

Kinukuwestiyon ngayon kung bakit sa dami ng mga nakatalagang tauhan ng secret service ay hindi nila ito nakita gayung bahagi ito ng kanilang mandato lalo na at ang shooter ay ilang metro lamang ang layo mula sa event venue.

--Ads--

Sa ngayon ay hindi isinasantabi na ang assassination ay may kinalaman sa politika dahil hindi ito ang unang pagkakataon na may mapabalitang assassination plot laban kay Trump dahil sa malakas na impact niya hindi lamang sa Amerika  kundi sa buong mundo.

Sa katunayan bago ang Trump Presidential Rally ay humiling na ang kampo nito ng additional security subalit na deny ng Secret Service kaya nagkaroon ng mas malaking pagkakataon ang assassination sa kaniya.

Samantala, natukoy ang shooter na si Thomas Matthew Crooks dalawampug taon gulang, isang dietary assistant at isang Republican supporter.

Ayon kay Bombo International News Correspondent Pinoy Gonzales, nagpaputok si Crooks sa rooftop ng venue.

Aniya ang suspek ay isang tahimik na estudyante at laging nabubully sa kanilang paaralan kaya hindi sukat akalain ng mga nakakakilala sa kanya na magagawa niya ito.

Hinihinala ngayon na dati nang inilagay ng suspek ang kaniyang armas sa rooftop at itinago para hindi makita ilang araw bago ang presidential rally.

Limang beses na nagpaputok ang suspek na pumatay  sa isang audience habang ikinasugat naman ng dalawang iba pa kung saan agad naman siyang nabaril ng sniper ng secret service.