--Ads--

CAUAYAN CITY- Arestado ang isang magsasaka matapos mahulian ng granada sa Brgy. Aurora, Quezon, Nueva Vizcaya.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Nueva Vizcaya Police Provincial Office kinilala ang suspek na si Carlos Darundy, 48- anyos,  may asawa, magsasaka at residente ng Purok 1, Brgy. Nalubbunan, Quezon, Nueva Vizcaya.

Bago ang pag-aresto ay una umanong nakatanggap ng tawag ang Quezon Police Station mula sa asawa ng suspek kaugnay sa hawak ng kanyang mister na granada.

Agad na rumisponde ang mga kasapi ng Quezon Police Station sa pangunguna ni PCPT Anthony Pagada, Deputy Chief of Police at doon nadatnan ng mga otoridad ang suspek na mayroong hawak hawak na pampasabog.

--Ads--

Matapos ang ilang minuto na negosasyon ay napakiusapan ng mga kasapi ng kapulisan ang suspek na ipasakamay sa kanila ang bomba.

Agad naman inaresto ang magsasaka at nakipag-ugnayan naman ang Quezon Police Station sa PECU NVPPO para sa maayos na disposisyon.