--Ads--

CAUAYAN CITY- Nakahanda na ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council o PDRRMC Isabela para sa magiging epekto ng La Niña sa lalawigan ng Isabela.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Provincial Disaster Risk Reduction ad Management Council Officer Atty. Constante “Watu” Foronda kanyang sinabi na nakipag-ugnayan na sila sa concerned agencies kagaya ng PAG-ASA-DOST at National Irrigation Administration upang mamonitor palagi ang lagay ng panahon.

Nakahanda na din umano ngayon pa lamang ang kanilang mga rescue vehicles at maging ang mga evacuation areas na pwede umanong i-deploy anumang oras ito kailanganin.

Ayon kay Atty. Foronda, dahil madalas din umanong bahain ang ilang mga lugar sa Isabela kaya’t alam na umano ng kanilang mga kasapi ang mga gagawin sa ganitong mga pagkakataon.

--Ads--