--Ads--

CAUAYAN CITY- Puntirya ng Kagawaran ng Pagsasaka na mabahagian ang Fuel Subsidy ang nasa 13,814 magsasaka sa Lambak ng Cagayan na nagkakahalaga ng 3,000 pesos na may kabuuang pondo na 43 million.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Roberto Busania, Regional Technical Director ng DA Region 2 sinabi niya na tanging mga magsasaka na may mga makinarya ang makaktanggap ng fuel subsidy.

Aniya, ang fuel subsidy card ay ibibigay sa mga magsasakang benipisyaryo sa programa at ipapalit sa mga accredited gasoline station ng DA.

Isusunod naman ng DA ang pamamahagi ng Fuel Subsidy 2024 sa 14, 860 kung saan nasa walong libo na ang sumailalim sa validation.

--Ads--

Paalala niya sa mga magsasaka na maaaring mag- avail ng mga ayuda mula sa DA gaya ng fuel subsidy kung sila ay rehistrado sa Registry System for Basic Sector in Agriculture o RSBSA.