CAUAYAN CITY – Siniguro ng pamunuan ng Public Order and Safety Division o POSD na hindi magiging problema ang mga road construction sa lungsod sa pagbubukas ng pasukan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay POSD Chief Pilarito Mallillin kanyang sinabi na sa ngayon ay 95% nang tapos ang mga ginagawang kalsada sa lungsod lalo na sa mga malalapit sa mga eskwelahan.
Aniya sisiguraduhin umano nila na hindi ito magiging problema at magiging maayos ang daloy ng trapiko sa muling pagbabalik ng klase.
Pinag-aaralan na din umano nila ang mga traffic rerouting scheme sa mga eskwelahan lalo na sa Cauayan City National High School na tinatayang aabot sa humigit pitong libo ang kanilang mga estudyante.
Naghahanda na din umano sila sa panghuhuli sa mga estudyante nagmomotorsiklo ng walang lisensya at walang helmet.