CAUAYAN CITY- Sasailalim sa pagsasanay sa ilalim ng Matatag Curriculum ang ilang guro mula Kinder, Grade 1, 4 at 7 ng Schools Division Office o SDO Isabela bilang paghahanda sa nalalapit na pagbubukas ng School Year 2024-2025 sa July 29, 2024.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Timoteo Bahiwal, Planning Officer ng DepEd Isabela, sinabi niya na maliban sa seminars ay pinaghahandaan na ang Regional Brigada kick-off sa Alicia National High School habang isasagawa din ngayong linggo ang Division Brigada kick-off sa Dagupan Elementary School.
Tuloy tuloy parin ang enrollment at sa kasalukuyan ay sumampa na 180,158 ang total enrollees ng SDO Isabela ay 61% ng target enrollees noong nakaraang school year.
Hinihikayat parin ng SDO Isabela ang mga magulang at lahat ng mga mag-aaral na magpatala na at huwag nang hintayin ang huling araw ng enrollment.
Para sa mga incoming Grade 7-Grade 12 students kailangan lamang magtungo sa paaralan para mag fill out ng enrollment form habang confirmation form naman para sa Grades 1 to 6.