--Ads--

CAUAYAN CITY- Mas hinigpitan pa ng mga otoridad ang seguridad sa Paris, France matapos ang naganap na pananaksak sa isang sundalo sa isang train station.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Bombo International News Correspondent Dick Villanueva, naospital ang nasabing sundalo matapos magtamo ng saksak sa kanyang balikat habang nahuli naman ang suspek.

Dahil dito ay mas naghigpit ng seguridad ang pamahalaan lalo na at ang pinangyarihan ng insidente ay mismong daanan o sinasakyan ng mga manlalaro ng 2024 Paris Olympics.

Nakatakda nang isagawa ang opening ceremony ng Olympics sa susunod na linggo.

--Ads--

Una nang bumuo ang Paris ng Operation Sentinell para sa domestic security matapos ang extremist attack noong 2015.

Muli itong inactivate para sa high security ng Paris Olympic Games na magsisimula na sa ikadalawamput anim ng Hulyo at magtatapos sa ikalabing isa ng Agosto.

Samantala patuloy naman ang kilos protesta ng mga Pro Palestinians na ipinapanawagan ang pagtanggal sa mga delegado ng Israel sa paglalaro sa Olympics.