--Ads--

CAUAYAN CITY – Kanya-kanyang diskarte ang mga vendors na biktima ng sunog sa pagpapatayo ng kanilang panibagong stalls.

Matatandaang ikalabintatlo ng Hunyo nang tinupok ng apoy ang magkakatabing labing walong stalls sa gilid ng pribadong pamilihan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Simprocio Cauilan isa sa mga negosyanteng nasunugan, sinabi niya na napilitan silang umutang para masimulan ang pagpapatayo ng panibagong stall.

Malaking tulong din aniya ang ibinigay ng lokal na pamahalaan na P15,000 at isang buwan na libreng renta sa pwesto habang kasalukuyan ang pagpapatayo.

--Ads--

Sinunod na rin nila ang payo ng BFP na hindi paggamit ng mga light materials sa paggawa ng panibagong stalls upang makaiwas sa sunog.

Dahil maganda ang materyales na ginamit ay umabot na sa P80,000 pesos ang kanilang gastos at inaasahang madadagdagan pa ito dahil hindi pa natatapos ang konstruksyon ng stall.

Umaasa naman siya na makakabangon muli sa kanilang pagkalugi matapos na masunog ang kanilang mga stall.