--Ads--

CAUAYAN CITY – Nakahanda na ang Office of Civil Defense Region para sa posibleng panganib na dala ng bagyong Carina sa mga bayan na nakasailalim sa tropical cyclone wind signal no. 1.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Information Officer Michael Conag ng OCD Region 2 kanyang sinabi na naka-red alert na sila sa lalawigan ng Batanes at Cagayan at sa mga coastal towns ng Isabela.

Aniya base naman sa kanilang monitoring ay wala pa namang malaking epekto ang bagyo sa Lambak ng Cagayan.

Mahigpit naman ngayong ipinagbabawal ang paglalayag at pangingisda sa mga karagatan.

--Ads--

Ipinatupad na din ang liquor ban sa mga coastal town ng Isabela, at mahigpit na nilang ipinapamonitor ang mga lalabag dito.

Nakahanda na din umano ang mga sasakyan at makinaryang posibleng gamitin kung kinakailangan.