--Ads--

Isinagawa ngayong araw sa Isabela State University – Cauayan Campus ang unang araw ng Armed Forces of the Philippines Service Aptitude Test o AFPSAT para sa mga nagnanais maging sundalo.

Ito ay magtatagal hanggang ika-25 lima ng Hulyo.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Army Maj. Julius Habunal, Hepe ng Army Recruitment – Luzon, sinabi niya na target nilang makakuha ng 400 na Bagong officer mula sa nasabing recruitment test.  

Bagama’t nasa halos 200 na ang nag-walk in para mag-exam ay mababa pa rin aniya ang bilang nito kaya patuloy ang kanilang paghikayat sa mga nagnanais magsundalo na magtungo lamang sa nasabing Unibersidad.

--Ads--

Kinakailangan kasi aniya na mahigit sa kanilang target na apat na raan ang makapasa sa APFSAT dahil marami ang nalalagas pagtuntong ng mga ito sa susunod na proseso pangunahin na sa medical test.  

Ang mga makakapasa sa pagsusulit ay kinakailangan pang sumailalim sa ilan pang proseso at test kagaya na lamang ng qualifying exam, special written exam at medical test bago maging Probationary 2nd Lieutenant.

Ang mga qualifications ay dapat graduate ng 4-year course, single, hindi tataas sa 27 ang edad bago mag-take ng oath at dapat ay national born Filipino.

Kinakailangan namang magdala ng 2 valid ID, PSA birth Certificate, Transcript of Records at Diploma para sa mga kukuha ng pagsusulit.

Paglilinaw naman ni Army Maj.  Habunal na pwede nang ma- take ng APFSAT ang mga hindi pa graduate ngunit dapat ay nakatakda nang grumaduate ngayong taon at may maipresentang Certificate of Graduation.