--Ads--

CAUAYAN CITY – Napanatili ng Bagyong Carina ang lakas nito habang mabagal na umuusad o sa Philippine Sea pangunahin sa silangan ng bansa.

Huling namataan ang sentro nito sa layong 380 km East of Aparri, Cagayan.

Lumakas pa ito taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 130 kph at pagbugsong umaabot sa 160 kph. Kumikilos ito pa north northwestward sa bilis na 10kph.

Nadagdagan naman ang mga lugar na nasa ilalim ng Wind Signal No. 1 na kinabibilangan ng Batanes, Babuyan Isalnds, northern at eastern portions ng mainland Cagayan pangunahin ang Santa Ana, Gattaran, Baggao, Peñablanca, Lal-Lo, Gonzaga, Buguey, Santa Teresita, Aparri, Camalaniugan, Ballesteros, Allacapan, Abulug, Pamplona, Claveria, Sanchez-Mira, Santa Praxedes, Lasam, Alcala, eastern portion ng Isabela pangunahin sa Divilacan, Palanan, Maconacon, Dinapigue, Tumauini, Ilagan City, San Mariano, Cabagan, San Pablo, Santa Maria,

--Ads--

Signal no. 1 din sa northern portion ng Apayao, northern portion of Ilocos Norte, northern portion of Aurora pangunahin ang Dilasag, Casiguran, Polillo Islands, Calaguas Islands at northern portion ng Catanduanes.

Base sa track and intensity forecast ng weather bureau, ang bagyong Carina ay inaasahang magpapatuloy sa pahilagang kanluran na galaw nito hanggang sa araw ng myerkules.

Tuluyan naman itong lalabas ng Philippine Area of Responsibility sa huwebes at dadaan ito sa Ryukyu archipelago at Northern Taiwan at maaring dumeretso sa Eastern China.

Inaasahan namang mas lalakas pa ang bagyo habang wala pang nadadaanang kalupaan dahil sa favorable condition sa dagat.

Dahil sa bagyong Carina asahan ang mga malalakas na alon sa eastern at western seaboards ng Luzon maging sa western seaboards ng Central at Southern Luzon, at Western Visayas kaya pinapayuhan ang mga maliliit na sasakyang pandagat na huwag munang pumalaot.

Asahan ang malalakas na pag-ulan sa Batanes, Babuyan Islands at northeastern portion ng mainland Cagayan at Isabela.

Patuloy namang nakakaapekto ang Southwest Monsoon sa malaking bahagi ng ating bansa na pinapalakas o hinahatak ng bagyong Carina.

Source: DOST_Pagasa