--Ads--

CAUAYAN CITY- Nanatili pa ding mataas ang tubig-baha sa ilang lugar sa Quezon City dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan dulot ng Bagyong Carina at Habagat.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Roldan “Jao” Clumia, Convenor ng Private Healthcare Workers Network kanyang sinabi na marami sa kanilang mga kasamahan ang hindi nakapasok dahil sa baha.

Aniya may mga ilan ding pinili na lamang matulog sa kanilang pinagtatrabahuan upang hindi na sila lumusong sa baha.

Pinag-aaralan naman na umano ng grupo na mamigay ng relief goods at financial assistance sa mga naapektuhang health care workers.

--Ads--

Nananatili naman umanong operational ang mga ospital at wala naman umanong mga ospital ang naapektuhang ng pagbaha.

May mga aksyon naman ang gobyerno upang pigilan ang pagbaha subalit hindi umano nito kinaya ang volume ng tubig.

Sa ngayon ay naghahanda naman na ng mga ospital ang posibleng pagdami ng mga leptospirosis dahil sa pagbaha.

Kaugay nito hindi na pumasok pa sa trabaho ang ilang mga empleyado sa Metro Manila dahil sa hindi na madaanan ang mga pangunahing kalsada dahil sa nararanasang pagbaha sa lugar na dulot na Bagyong Carina.

Sa naging panayam naman ng Bombo Radyo Cauayan kay Marlon Acosta, isang Government Employee sa Marikina City, sinabi niya na hindi na pinayagan pa ng mga otoridad ang mga maliliit na sasakyan na lumusong sa baha dahil lubha na itong mapanganib.

Hindi na din aniya passable ang ilang mga daan kagaya na lamang sa Batasan-San Mateo Road na nagkokonekta sa Quezon City at San Mateo, Rizal.

Ayon kay Acosta, gustuhin man aniya niyang pumasok sa trabaho ngunit hindi nito magawa dahil maging ang sasakyan ng kanilang kumpanya na susundo sana sa kaniya ay hindi din makadaan sa mga baha.