--Ads--

CAUAYAN CITY – Sumailalim sa briefing ang mga tricycle driver sa lungsod ng Cauayan kung saan muling ipinalliwanag ng Public Order and Safety Division ang mga regulasyon sa pamamasada.

Ito ay nagsisilbing gabay ng mga trycicle driver dahil ilang araw nalang ay magbubukas na ang pasukan ng mga estudyante.

Sa nasabing pagpupulong, binalaan ni POSD Chief Pilarito Mallillin ang mga namimili at nambabastos ng mga pasahero, maging ang mga overcharging ng pamasahe, at overloading.

Ayon kay POSD Chief, karamihan kasi aniya sa mga nababastos ay mga estudyante kaya bago pa man ang school opening ay mainam na mabalaan na ang mga tricycle driver na lahat ng nabanggit na violation ay hindi palalagpasin ng kanilang ahensiya.

--Ads--

Madalas din aniyang may nagrereklamo na may ilang mga driver ang namimili ng pasahero at naniningil ng doble dahil sa oversize na katawan ng pasahero.

Maaari aniyang mapatawan ng penalty o makumpiska ang kanilang mga lisensya kung sila ay mapapatunayan na may paglabag.

Pinaalala pa ng ahensya na dapat nakapaskil ang ID ng driver at ang mga contact number ng POSD at PNP bilang karagdagang requirement ng mga tricycle driver bago sila mamasada.

Ang mga number na ipapaskil ay upang may mapagsumbungan Ang mga pasahero kung sakaling may hindi kaaya-ayang mangyari.