--Ads--

Inihayag ng InfraWatchPH na masusing imbestigasyon ang kailangan at hindi sisihan ang pairalin sa malawakang pagbaha sa Metro Manila.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Terry Ridon, Convenor ng Infrawatch Philippines sinabi niya dapat pag-usapan muna ito ng mga kabilang na ahensya.

Aniya kailangan munang magsagawa ng pag-aaral ang proponent at ilang ahensiya ng gobyerno kung ang mga flood control projects nga ba ng pamahalaan ang pangunahing dahilan ng pagbaha o ang hindi maayos na pagtatapon ng basura ng napakaraming residente ng Metro Manila.

Isang malaking katanungan ngayon kung ilang bahagdan ang ilalaang pondo ng pamahalaan sa mga flood control projects matapos ang nangyaring malawakang pagbaha sa NCR at karatig nitong rehiyon.

--Ads--

Dapat na aniyang pagtuunan ng pansin ito ng pamahalaan dahil posible pa itong maulit sa mga susunod na panahon lalo na at ayon sa weather bureau malaki ang posibilidad ng La NiƱa sa mga susunod na buwan.

Kailangan aniyang makapag-adapt na ang bansa sa mga climate-related disasters dahil taun-taon naman itong nararanasan.