CAUAYAN CITY – Handa na ang Benito Soliven Police Station sa pagbabalik eskwela ng mga mag-aaral ngayong araw.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan Pmaj. Alford Accad ang Hepe ng Benito Soliven Police Station sinabi niya na may itinalaga silang public assistance desk para mag assist sa mga mag-aaral.
Nagbabala naman si PMaj. Accad na maghihigpit sila sa mga menor de edad o mga mag-aaral na makikita o mahuhuling magmamaneho ng motorsiklo papasok sa paaralan ng walang lisensya.
Aniya nauna na silang nakipag-ugnayan sa mga magulang sa ginawa nilang barangay visitation programs kaya naman paalala nila na mahuhuli ang sino mang maaktuhang nagmamaneho na walang lisensya at walang helmet.
Pangkalahatang namang mapayapa ang buong bayan ng Benito Soliven sa nakalipas na mga araw.
Wala umano silang naitatalang anumang focus crimes sa kanilang nasasakupan maliban lamang sa ilang special laws at aksidente sa lansangan na kanilang tinugunan.
Abala ang Benito Soliven Police Station sa pagsasagawa ng check point para imonitor ang mga motoristang dadaan sa naturang bayan maging mga biyahero ng tubo dahil may pina iiral na ordinansa sa bayan na nagbabawal sa pag biyahe na walang safety nets.
Ang sino mang mahuhuli ay mapapatawan ng kaukulang multa ng Local Government Unit.