--Ads--

CAUAYAN CITY- Nadakip ang isang Ginang matapos magshoplift sa isang frozen goods store sa District 2, Cauayan City,  Isabela.  

Ang suspek ay isang 44-anyos na residente ng Brgy. District 3, Cauayan City habang ang nasabing store ay pagmamay ari ni Marlon Agustin, 37 years old at residente ng district 2, Cauayan city isabela.  

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay ginang Esperanza Espiloy, isa sa mga may-ari ng store, sinabi niya na noong sabado ay napansin nila ang suspek na mayroong mga karne sa kaniyang eco bag ngunit hindi ito kasama sa kaniyang mga binayaran.  

Dahil hindi nila matiyak kung sa kanilang tindahan ba galing ang mga karne sa bag nito ay hindi na nila ito kinompronta at minabuti na lamang nilang i-check muna ang kuha ng CCTV footage.

--Ads--

Nang makumpirma na shinoplift nito ang mga karne ay inabangan nila ang pagbabalik nito sa kanilang tindahan.

Kinabukasan aniya ay bumalik ang suspek kaya naman binantayan nila ang bawat kilos nito at doon nila naaktuhan ang paglalagay nito ng karne partikular ang ham leg o ang pige sa kaniyang eco bag ngunit hindi niya ito isinama sa kaniyang binayaran.  

Nang akmang aalis na ito ay dito na siya hinarang ng may-ari at kinompronta at aminado naman umano ang suspek sa kaniyang ginawa kaya ngdesisyun na nilang tumawag ng pulis.  

Ayon naman aniya sa suspek nagawa niya umano ang pagshoshoplift dahil sa kahirapan ng buhay.  

Napag-alaman na mayroong karinderya ang suspek at batay sa kuha ng CCTV ay halos araw araw itong nagpupunta sa nasabing shop para magnakaw ng karne kung saan umabot na sa mahigit 20,000 ang halaga ng nanakaw nito.