--Ads--

CAUAYAN CITY- Naging maayos ang assessment ng pamunuan ng Cauayan City Stand Alone Senior High School para sa pormal na pagbubukas ng klase ngayong araw.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Cauayan City Stand Alone Senior High School Principal John Mina sinabi niya na bagamat maayos na nakapasok ang mga estudyante ay nagkaroon ng problema dahil sa kakulangan ng ilang pasilidad gaya ng upuan at mesa.

Pansamantala ay pinagamit na muna ng monoblock chairs ang nasa halos isang libong estudyante na walang upuan, bagamat sapat ang class room ay aabot naman sa 65 students ang nagsisiksikan sa isang classroom.

Kaugnay nito ay may kakulangan parin ng guro sa Stand Alone Senior High School kaya naman mga Local School Board Teachers parin ang nabigyan ng teaching loads habang hinihitay pa ang deployment ng mga new items na aabot sa higit tatlumpung mga guro.

--Ads--

Paliwanag niya na nagkaroon ng pending o pagkaantala ng delivery ng upuan at mesa mula sa DepEd sa katunayan aniya mula ng maitatag ang eskwelahan ay wala pang dumadating na delivery ng upuan at mesa kaya sa ngayon ay mga hiram na kagamitan ang pumupuno sa kakulangan nila sa pasilidad.

Samanatala nagbigay ng paglilinaw ang Cauayan City Stand Alone Senior High School sa planong pagkakaroon ng night classes dahil nagdulot ito ng pagkabahala sa ilang mga magulang.

Ayon kay Dr. Mina na ang night class ay para lamang sa mga working students, self- employed man o may employer.

Hindi naman na bago ang pagkakaroon ng night classes dahil una narin itong ipinatupad sa ibang mga eskwelahan sa bansa.

Ang proposal para sa night classes o night shift at dadaan sa masusing validation bago isumite sa Kagawaran ng Edukasyon.

Kung sakali mang maipatupad ay sisimulan muna ang night shift sa piling strands gaya ng HUMSS at TVL.