CAUAYAN CITY – Sinimulan ng ayusin ng Pamahalaang panglungsod ng Cauayan ang mga pundido at may problemang streetlights sa lungsod.
Ayon kay Jonathan Toledo, ang City General Service Officer, aniya dalawang linggo na silang nag-aayos ng streetlights.
Pinalitan na ng bumbilya ang mga pundidong streetlights habang plano pa umano ng pamahalaan na magpatayo ng karagdagang mga poste ng ilaw upang lumiwanag ang lunsod.
Tinatayang 1,200 na streetlights ang inaasahang ayusin at maipatayo.
Aniya, una nang inayos ang streetlights sa Brgy. Alinam hanggang Minante at isusunod naman ang Brgy. San Fermin at Tagaran.
Target kasi umano na mapaliwanag ang national highway sa buwan ng Agosto.
Habang ang mga ilaw naman sa mga baryo partikular sa forest region ay matagal na umanong natapos.
Humihingi rin ng pang-unawa ang pamahalaan sa mga pundidong ilaw, asahan umano na liliwanag ang buong lungsod ngayong taon.