--Ads--

CAUAYAN CITY- Nakakatanggap pa rin ng reklamo ang Public Order and Safety Division kaugnay sa mga tricycle drivers na naniningil ng mahal o overcharging sa pamasahe.

Aminado naman si POSD Chief Pilarito Mallillin na status quo ang inihaing umento sa pamasahe o fare hike ng mga tricycle driver.

Aniya bagamat matagal ng nakabinbin ay patuloy naman ang paggalaw ng presyo ng petrolyo.

Ito ang nakikita nilang dahilan kung bakit may ilang drivers ang nagtataas ng pamasahe.

--Ads--

Sa kabila nito ay ipinaalala ng POSD na sa ngayon ay umiiral ang 15 pesos na regular fare sa Poblacion Area at nadadagdagan ito ng 2 pesos kada kilometro alinsunod sa nakasaad sa fare matrix o taripa.

Dahil sa walang humpay na reklamo ay halos araw-araw ay nakakapagtala sila ng paglabag.

Mabilis nilang natatawagan ng pansin ang mga umaabusong tricycle driver dahil nasa kanila ang listahan o datos ng mga body number.

Sa katunayan aniya may ilang napapatawan ng multa habang may isa na silang napatawan ng suspensyon.