--Ads--

CAUAYAN CITY – Tiniyak ng Alkalde ng Lungsod ng Santiago na hindi maaapektuhan ang hanap-buhay ng mga market vendors na apektado sa demolition ng ilang bahagi ng pamilihang Lungsod partikular ang Lockwell Building.

Ito ay matapos magdulot ng pangamba sa mga vendors at market goers ang isinasagawag demolisyon sa naturang pamilihan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Mayor Sheena Tan – Dy ng Santiago City, sinabi niya na nasa 53 tenant ang apektado ngunit tiniyak niya mayroon silang lilipatan habang isinasagawa ang proyekto.

Ang mga apektadong tenants ay ililipat muna pansamatala malapit sa four lanes. Wala kasing ibang government-owned spaces na maaari nilang paglipatan na mas malapit sa pamilihan.

--Ads--

Ayon sa Alkalde, kinakailangan nang palitan ang naturang building dahil nasa 50 years na ito at hindi na ligtas pang gamitin.

Nilinaw naman niya na ang mga kontrata ng mga kasalukuyang tenants sa lockwell ay matagal ng expired noon pang 2001 ngunit dahil sa nagbabayad naman sila ng renta ay hindi sila pinaalis.

Siniguro naman niya na mapupunta din sa mga ito ang bagong gusali na maipapatayo.

Hiniling naman niya ang kooperasyon mga apektadong vendors dahil para din lang naman sa kaligtasan ng Publiko ang pagpapatayo nila ng bago at mas matibay na gusali sa pamilihan.

Kung agad na makalilipat ang lahat ng tenants sa papalitang gusali ay mas mapapabilis konstruksyon nito.