--Ads--

CAUAYAN CITY- Arestado ang dalawang security guard sa isinagawang entrapment at buy-bust operation ng mga otoridad dahil sa pagbebenta ng iligal na droga sa Lungsod ng Cauayan.

Ang mga suspek ay sina Jhondy Cam-Ani, dalawamput tatlong taong gulang, residente ng Brgy. Durok Angadanan, Isabela at si Jerome Neguera, 29-anyos, at residente naman ng Brgy. Macugay Luna, Isabela.

Nadakip ang mga suspek matapos silang magbenta ng baril sa mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Nakumpiska mula sa kanila ang isang unit ng 12 Gauge Shotgun at isang unit ng caliber 38 na parehong walang serial number, anim na pirasong bala ng caliber 38, 500 peso bill at 20,000 pesos na boodle money at ibang personal na gamit.

--Ads--

Bago ang isinagawang operasyon ay nakatanggap umano ang CIDG Unit ng impormasyon mula sa isang civilian informant na nagsabing nag-aalok ang mga suspek na magbenta ng mga hindi lisensyadong baril sa pamamagitan ng social media at iba pang online communication platforms.

Ang napagkasunduan umanong tagpuan ng transaksyon ay sa Diffun, Quirino ngunit habang papunta sa lugar, nag-text ang mga suspek sa confidential informant na pinalitan ang venue sa San Fermin, Cauayan City, Isabela, kung saan naganap ang buy-bust operation.

Naging matagumpay ang operasyon sa pagtutulungan ng CIDG Quirino bilang lead team, CIDG Isabela, Regional Intelligence Unit 2 at Cauayan City Police Station.