--Ads--

CAUAYAN CITY – Tinututukan ng Public Order and Safety Division (POSD) ang mga colorum na tricycle sa Lungsod ng Cauayan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay POSD Chief Pillarito Mallillin, sinabi niya na marami pa ring mga colorum sa lungsod lalo na ngayon at nagsimula na naman ang pasukan.

Aniya, planong mag-secure ng Business Permit and Licensing Office ng Official Stiker para sa mga Service na Tricycle para mas madaling matukoy ang mga Colorum.

Ang mga pang service aniya na tricycle ay kinakailangang kumuha ng sticker na pirmado ng BPLO o ng City Mayor.  

--Ads--

Sa mga isinasagawa nilang operasyon ay hindi na nila pinapatawan ng multa ang mga nahuhuli nilang colorum bagkus ang pera na ibabayad sana nila sa kanilang penalty ay gamitin na lamang nila sa pagkuha ng permit sa BPLO.

Madalas kasi aniyang magkaroon ng road rage kapag nag-aagawan ng mga pasahero ang mga tricycle drivers.

Dahil dito ay hinikayat niya ang mga mananakay na huwag sumakay sa mga tricycle na walang body number at sticker.

Nanawagan  naman siya sa lahat ng mga nasa transport group na tiyaking mayroon silang kaukulang mga dokumento para maging maayos ang kanilang pamamasada.