Nagtapos na Olympics Journey ni Pinay Boxer Aira Villegas matapos matalo sa kalabang Turkish sa semifinal women’s 50 kg class sa Paris Olympics 2024 na ginanap sa Roland Garros Stadium.
Tinalo ng Tukrish Boxer na si Buse Naz Cakiroglu si Villegas sa isang unanimous decision.
Sa buong laban ay dinomina ng 28-anyos na si Cakiroglu na isang silver medal winner sa Tokyo Olympics 2024 ang laban na kung saan umiskor ng standing eight count sa opening round para sa siguradong panalo at tuluyan ng pumasok sa finals para sa gold medal round.
Sinubukan pa ni Villegas na makahabol kung saan nakaiskor ng knockdown sa ikalawang round kay Cakiroglu ngunit sinabing ng referee na ito ay slip at mabilis na nakabawi ang Turkish boxer.
Inuuwi ni Villegas ang Olympic Bronze Medal para sa Pilipinas at inamin din nito na naging malakas ang nakalaban nito at tiniyak niyang babawi ito sa mga susunod international boxing event.
Nagtapos ang laban sa pamamagitan ng dominanteng 5-0 na panalo ng Turkish Boxer at natakda nitong labanan ang top seed na si Wu Yu ng China.