Wagi ng gintong medalya ang kontrobersyal na Algerian boxer na si Imane Khelif sa women’s welterweight boxing sa Paris Olympics.
Tinalo niya si Yang Liu ng China sa isang unanimous na desisyon ng mga judges.
Unanimous din ang naunang dalawang panalo nito.
Ang mga huling laban ng Olympic champion ay nababalot ng misinformation sa social media.
Ipinagtanggol naman ni International Olympic Committee president Thomas Bach si Khelif at isa pang boksingero na naging paksa ng malawakang misinformation tungkol sa kanilang kasarian.
Kinondena ni Bach ang “hate speech” laban sa dalawang atleta, at sinabing hindi katanggap-tanggap ang mga pag-atake sa kanila.
Nagsimula ang kontrobersya dahil mabilis na napansin ng mga kritiko na si Khelif at ang isa pang boksingero, ang featherweight ng Taiwan na si Lin Yu-ting, ay parehong bigo sa unspecified gender eligibility test ng International Boxing Association (IBA) para sa World Boxing Championships sa New Delhi India.
Si Khelif ay isang babae at babae ang nakalagay sa kapanganakan nito, ayon sa isang tagapagsalita ng IOC.
Sa kabila nito, maraming online critics ang nagbansag kay Khelif bilang transgender matapos ang kanyang tagumpay laban kay Carini, na nagdulot ng isyu sa mga transgender na nakikilahok sa pambabaeng sports.
Mismong si Khelif ay nanawagan na wakasan na ang pambu-bully sa mga atleta.
Aniya nilalabag nito ang diwa ng Olympics at may napakalaking epekto sa mga manlalaro.
“I send a message to all the people of the world to uphold the Olympic principles and the Olympic Charter, to refrain from bullying all athletes, because this has effects, massive effects,”ani Khelif sa isang interview.