--Ads--

Naglabas ng hinaing ang Pinay Golfer na si Dottie Ardina na kasalukuyang lumalaban para sa bansa sa Le Golf National ng Paris Olympics kasama si Bianca Pagdanganan dahil tila walang pumapansin sa kanilang laban para sa bansa.

Ayon kay Dottie, nakikipaglaban sila para sa kanilang bansa ngunit tila sila lamang ang lumalaban at walang pakialam ang bansa.

Naglabas ng hinanakit si Dottie dahil sa kawalan ng uniforms na ibinigay sa kanila ni Bianca. Tanging Philippine flag logo lamang ang kanyang ikinabit sa damit sa pamamagitan ng double sided tape na ginamit niya sa paglalaro ng golf kahapon.

Wala man lamang  umanong nag-assist sa kanila kaya nagmukha silang kaawa-awa dahil sa walang maayos na uniform. Hinanap din nito kung nasaan na ang pondong inilaan ng pamahalaan sa mga atleta.

--Ads--

Ipinakita rin nito ang gamit niyang golf clubs na nababalutan ng duct tape para lamang maitago ang brand dahil bawal ang sponsorship sa Olympics.

Ang dalawang top golfers ng Pilipinas ay kasalukuyang naglalaro sa Le Golf National ng Paris Olympics dalawang araw na ang nakalipas.

Sa kasalukuyan, si Pagdanganan ay Rank T13 habang si Ardina ay Rank 23. Ang Final round ay isasagawa naman mamayang hapon para madetermina ang final rankings.