--Ads--

CAUAYAN CITY – Sinira ng mga otoridad ang nasa 12.5 milyong halaga ng mga fully grown marijuana plants sa ikinasang marijuana eradication operations sa Cordillera kung saan higit tatlong milyong pisong halaga ang sinira.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCapt. Ruff Manganip, information officer ng PNP Kalinga, sinabi niya na nadiskubre ng mga kasapi ng Tinglayan Police station, Mobile Force company at PDEA  ang 52,000 fully grown marijuana plants na nagkakahalaga ng P10.4 milyon sa Barangay Nambaran.

Natuklasan din ng mga awtoridad ang 10,000 fully grown marijuana plants na nagkakahalaga naman ng P2 milyon sa Barangay Loccong, Tinglayan, Kalinga.

Walong daang marijuana plants na nagkakahalaga ng P160,000 ang natagpuan din sa Barangay Tacadang, Kibungan, Benguet.

--Ads--

Sa tatlong operasyong ikinasa ng Kalinga Police Provincial Office ay natuklasang sinadyang itinanim ang mga Marijuana plant maliban sa bahagi ng Loccong  na kusang tumutubo ang mga Marijuana sa lugar.

Aniya madalas nilang balikan ang mga lugar kung saan naisailalim na sa eradication at dito nakikita ang mga bagong sibol na marijuana plant na halatang muling itinanim sa lugar.