--Ads--

CAUAYAN CITY- Isinusulong ni House Speaker Martin Romualdez at iba pang mambabatas na gawing anim na taon mula sa tatlong taon ang termino sa panunungkulan ng mga opisyal ng barangay at Sangguniang Kabataan.

Sa isinagawang National Congress ng mga Liga ng Barangay, sinabi ng House leader na inihain na ang House Bill 10747 o An Act Setting the Term of Office of Barangay and Sangguniang Kabataan Officials to 6 Years.

Ayon kay Romualdez na makatutulong ang term extension para hindi maabala ang mga programa at proyekto ng mga barangay at SK officials kapag may mga usapin tungkol sa electoral at magkaroon ng sapat na oras ang mga opisyal ng barangay na magplano at magpatupad ng pangmatagalang programa para sa ikauunlad ng mga komunidad.

Maaari naman sila magsilbi ng dalawang magkasunod na termino na may katulad na panukala na inihain din ni Senador Imee Marcos sa Senado, na nagtatakda na dalawang magkasunod na termino na maaaring takbuhan ng barangay officials.

--Ads--