CAUAYAN CITY- Arestado ang isang tulak ng iligal na droga sa isinagawang Anti-Illegal Drug Buybust Operation ng mga otoridad sa by pass road Brgy. Homestead Bambang, Nueva Vizcaya.
Ang pinaghihinalaan ay itinago sa alyas na RJ, lalaki, 28-anyos, self employed, residente ng Brgy San Nicolas, Bayombong, Nueva Vizcaya at itinuturing bilang Street Level Individual.
Nadakip ang pinaghihinalaan matapos nitong magbenta ng dalawang maliit na pakete ng hinihinalang shabu sa isang pulis na nagpanggap na buyer.
Nakuha rin sa kaniyang pag-iingat ang dalawang maliit na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu at tatlong small heat-sealed transparent plastic sachet na may kabuuang 0.25 gramo at 0.26 gramo na nagkakahalaga ng Php 3,468.
Nakumpiska rin ang iba pang personal na gamit tulad ng cellphone, pera, at motor na ginamit sa operasyon.
Sa ngayon ang suspek maging ang nakumpiskang mga ebidensya ay dinala sa Bayombong Police station para sa dokyumentasyon at mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.