Pabor ang isang dating COMELEC Commissoner sa panaukalang madatory drug testing o drug test result bilang karagdagang requirements para sa mga kakandidatong mag hahain ng kanilang Certificate of Candidacy.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay former COMELEC Commissioner Atty. Armando Velasco sinabi niya na maganda ang panukala ni Davao City Rep. Paolo Duterte na magkaroon ng karagdagang requirements para sa paghahain ng Certificate of Candidacy partikular ang pagkakaron ng mandatory drug test.
Aniya tama lamang ito dahil sa ang pagsasabatas nito ay mandato ng mga mambabatas at hindi ng COMELEC.
Kaya lamang naman aniya naibasura ang parehong panukala noon ay dahil sa may isang kandidato ang naghain ng mosyon sa Korte Suprema dahil ang mandatory drug testing ay wala sa requirements ng COMELEC para sa mga kandidato subalit kung ito ay maisasabatas o mai-aamiyenda sa batas tiyak naman na ipapatupad ito ng Komisyon bilang substituting at administrative body.
Ayon kay Former Commissioner Velasco na bagamat maganda ang panukala ay malabo naman itong maihabol ng House of Representative para ipatupad ngayong Barangay at SK Election 2024 maliban na lamang kung masertipikahang urgent bill na lalagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kung hindi man lagdaan ng Pangulo ay may pag-asa parin itong maisabatas sa pamamagitan ng pagboto ng mga mambabatas o ng Kongreso.
Ngayon ay ang kailangan antabayanan kung tuluyang maisasabtas ang isang panukala ng mga mambabatas.
Sa katunayan ay isa siya sa mga COMELEC Commissioner noon na nagsulong ng mandatory drug testing subalit ibinasura ng Korte Suprema kaya wala silang ibang nagawa kundi igalang ang pasya ng korte.