--Ads--

CAUAYAN CITY- Patuloy na dumami ang suplay ng kamatis sa lungsod ng Cauayan na siyang dahilan para bumaba ang presyo nito sa merkado.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Pablito Quinagoran Jr, aniya, walang matatag na presyo ang kamatis dahil kada araw ay nagbabago ang presyo nito.

Kung noong nakaraang buwan ay umabot sa P200/kl ang presyo na halos limang piso na ang kada piraso ng kamatis,subalit bumaba ito ng 40 pesos hanggang 60 pesos kada kilo ngayon.

Ang dahilan sa pagbaba sa presyo ay ang oversupply sa Nueva Vizcaya Agricultural Terminal (NVAT).

--Ads--

inaasahang mas maapektuhan pa sila ngayon dahil sinimulan na ng ilang magsasaka ang mamahagi ng libreng kamatis habang ang ilan ay bagsak presyo na itong ipinagbibili.