--Ads--

CAUAYAN CITY- Dinakip ng mga otoridad ang isang lalaki matapos masamsaman ng iligal na droga sa Brgy. Lepanto, Quezon, Isabela.

Ang pinaghihinalaan ay tatlumpu’t isang taong gulang at residente ng Brgy. Arellano, Quezon Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Clarence Labasan, Hepe ng Quezon Police Station, sinabi niya na nagsasagawa ng Anti-Criminality Checkpoint ang kapulisan sa naturang lugar ay sinita nila ang pinaghihinalaan dahil wala itong suot na helmet at wala ring plate number ang minamaneho nitong motorsiklo.

Hindi naman tumigil ang pinaghihinalaan dahilan upang habulin siya ng mga awtoridad .

--Ads--

Nang ma-korner ito ay kinapkapan siya ng mga Pulis at nakita sa kaniyang pag-iingat ang tatlong heat-sealed plastic sachet na  hihihinalang shabu na may kabuuang timbang na isang gramo at nagkakahalaga ng 6,800 pesos.

Aniya, matagal na nilang minamanmanan ang suspek dahil kabilang ito sa newly identified street level individual.

Hindi naman nila tinatanggal ang posibilidad na idedeliver nito ang mga droga na nakuha sa kaniyang pag-iingat nang siya ay masabat ng mga awtoridad.

Patuloy naman kanilang pagbabantay sa bayan ng Quezon para mapanatili ang pagiging Drug Free Municipality ng Quezon.