Hinihikayat ng Provincial Veterinary Office ang mga backyard hograisers na agad ipagbigay alam sa kanilang tanggapan kung makitaan na ng sintomas ang mga alagang baboy.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Belina Barboza sinabi niya na madalas unang sintomas na makikita sa baboy na may African Swine Fever ay ang pananamlay, panghihina at pamumula ng baboy.
Sa mga ganitong pagkakataon aniya mainam na iulat na aito upang maagapan ang mas pagkalat pa ng ASF virus.
Samanatala, pinapayuhan ang mga nag bibiyahe ng baboy at frozen meats na dahil ang kanilang papeles na nagpapatunay na ito ay ligtas at dumaan sa tamang proseso upang hindi ma hold ang mga baboy at karner.
Ayon kay Dr. Barboza na lahat ng mga karneng walang papaeles ay kanilang inihohold habang ang mga baboy ay isinasailalim sa culling.
Bumuo na ng task force ang Provincial Veterinary Office na siyang nakatalaga para suriin ang mga papasok na baboy sa Lalawigan maliban pa sa kanilang team na nagbabantay mismo sa check points.