--Ads--

CAUAYAN CITY – May paglilinaw ang City Engineering Office kaugnay sa pagsasara sa Alicaocao overflow Bridge ngayong araw para bigyang daan ang rehabilitasyon sa approach ng tulay na pinondohan ng 14 million pesos.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Engr. Edward Lorenzo ng City Engineering Office nilinaw niya na sinabi niya na hindi  ipapatupad ang total closeur sa Alicaocao Overflow Bridge dahil nagpasya si City Mayor Ceasar Jaycee Dy na magpagawa na lamang ng detour para sa mga light vehicles tulad ng motorsiklo, tricycle, 4 wheels at pick up habang ang mga mabibigat na sasakyan ay pinakikiusapang umikot na lamang sa bayan ng Naguilian Isabela.

Aniya isinasaalang alang nila ang kaligtasan ng mga motorista kaya sinisikap nilang makumpuni ang nasirang approach sa lalong madaling panahon.

Aniya, hindi basta basta ang gagawing proseso dahil kailangan alisin ang mga bakal sa loob ng aprroach bago mairehabilitate at masementohan, para mas mapabilis ang proseso ay maghahalo na sila ng kemikal para mas mabilis na tumigas ang semento sa approach ng tulay.

--Ads--

Habang kinukumpuni ang nasirang bahagi ng approach ay susubukan ding makumpuni n ang gilid ng approach na naabot ng tubig.

Tiniyak naman niya na sa pagsasaayos sa gilid ng approach at hindi makakaapekto pa sa daloy ng trapiko sa lugar.